Monday, May 6, 2019

Palakihin ang mga bata na maging Business Minded

 Pinalaki ako ng magulang ko na ang tinuturo nila sa akin noon ay mag aral akong mabuti para paglaki ko makahanap ako ng magandang trabaho.Nung nag aaral ako sa elementarya si nanay nagtratrabaho na para sa aming magkakapatid nagtratrabaho siya bilang mananahi sa isang kumpanya sa Cavite economic zone,si tatay naman nangingisda para may pandagdag sa gastusin namin.Nag aaral ako na hindi ko man lang naranasan na si nanay pupunta sa school para ipa enrol ako at diko man lang naranasan na kuhanin ang aking card.Kapag may mga meeting ang mga magulang palaging wala si nanay minsan ibang tao nalang ang pumupunta kasi si tatay wala din minsan.Si nanay papasok sa umaga mga 4am tapos uuwi mga 10pm na.Mula monday hanggang sunday ang pasok nya.kaya talagang hindi namin sya nakakasama ng matagal.Dahil ganun palagi ang eksena nya.Nung nag 3rd year highschool ako naisipan ko na mag apply ng trabaho kasi nga malapit na ang bakasyon april at may so naisipan kong mag summer job sa isang kumpanya sa cavite economic zone.Sa awa ng Diyos natanggap ko sa edad ko na 15 yrs old.Sa ganung edad nagtratrabaho nako dahil nga alam ko naman na ang sahod ni nanay kulang pa sa amin.Naisipan ko ng mgtrabaho dahil nga para mat pambili din ako ng gamit sa pasukan hindi na ako hihingi ky nanay.Sinabihan ako ni nanay na wag na daw akong magresign silang dlawa ni tatay ganun ang sinabi nila sa akin.Kasi nga nag summer job lang nmn talaga ako april at may so pagdating ng June mag eenroll na ulit ako para sa 4th year highschool pero sabi nila sa akin don din naman ang bagsak ko pag natapos daw ako ng highschool magtratrabaho din daw naman ako kaya wag na daw ako magresign.Pero hindi ko sila sinunod sabi ko gusto ko naman makatapos kahit highschool lang.Nagdesisyon ako para sa sarili ko hindi ko sinunod ang gusto nila.Nagresign ako at nagpatuloy sa pag aaral ng 4th year.Alam ko hindi na ako makakapag aral ng college kasi sapat lang sinasahod ni nanay para sa pang araw araw namin.Kaya ng makatapos ako ng highschool naghanap ulit ako ng trabaho at natanggap naman ako.Nung umedad ako ng 24 years old naisipan kong magtinda mamili sa divisoria at itinda sa mga kasamahan ko sa trabaho.Nagsimula ito nung makabasa ako ng book dahil lahat ng nabasa ko sa book inapply ko sa sarili ko.Kasi kung babasahin mo lang ang libro tapos di ka naman gagawa ng action mababalewala lang din.Kaya nung habang nagiging successful nako sa business ko unti unti kong nalalaman na ang mga anak natin turuan natin sila habang bata palang sila.Imindset na agad natin sa kanila na habang lumalaki sila turuan natin sila na maging business minded,kasi tau pinalaki ng magulang natin na magtrabaho tayo,pero hindi dapat ganun,kailangan palagi natin sasabhin sa kanila na sa negosyo mas uunlad ang buhay,palakihin natin sila na maging business minded kagaya ng ginagawa ng mga Chinese sa kanilang mga anak,Sinasabi nila sa kanilng mga anak na mag aral mabuti para kapag nakatapos ng pag aaral magnenegosyo.Ang mga Pilipino pinapalaki nila ang mga anak nila na magtrabaho kaya ang nangyayari kapag nagtayo ang mga Chinese ng negosyo ang mga Pilipino ang kanilang nagiging empleyado.So sa tingin ba natin sino ang mas aasenso ang Chinese na nagtayo ng negosyo o ang mga Pilipino na naging empleyado.Kaya habang bata palang sila turuan natin sila ng tamang mindset.Palakihin natin sila na hindi sila magiging empleyado kundi palakahin natin sila na magnegosyo.

No comments:

Post a Comment